Sankage Steno

Consumption-driven ang ekonomiya natin ngayon. In other words, kaya tayo “umuunlad” e dahil mahilig bumili nang bumili tayong mga Pilipino ng kung anu-ano. Patunay nito ang sangkatutak na at sobrang lalaking malls sa bansa.

At sa’n naman natin kinukuha ‘yung pambili natin? Two major wealth wells: perang padala ng mga OFWs at perang galing sa BPOs.

Ito ‘yung dalawang pinakamalalaking sources natin ng pera sa ngayon. Kung wala ‘yung mga kamag-anak nating nagtatrabaho sa ibang bansa at kung magsisialisan ang mga BPO companies na nasa Pilipinas, mawawalan tayo ng perang pambili ng iba’t ibang bagay at, eventually, hihina o babagsak ang ating ekonomiya.

Ano pang ibig sabihin nito para sa ating mga Pilipinong hindi biniyayaan ng apelyidong Sy, Ayala, Gokongwei, Tan, Consunji, Ang, Tancaktiong, Marcos, Pangilinan, etc.? Sa aking palagay, nangangahulugan din ito na hindi sustainable ‘yung pag-unlad ng bansa…

View original post 300 more words